Suklay ni Heart, usap-usapan!

Suklay ni Heart, usap-usapan!

September 17, 2022 @ 1:17 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – How much are you willing to spend on a comb?

Kung kaya mong gumasta ng mahigit limang libong piso at discounted price, puwes, katulad mo na rin ni Heart Evagelista!

Hot topic na naman kasi ang aktres dahil sa tatlong photos niya sa isang Facebook account na nagsusuklay.

Pinusuan ng mga netizens ang nasabing suklay na Luxelle Low Level Growth Comb na ang original price ay P6,825 less 15% so bale a little over 5k na lang.

Still, mahal pa rin daw at feeling ng mga netizens ay sinasampal sila ng kahirapan.

Kung tutuusin, hindi na bago kay Heart ang magpost ng pricey stuff without intending to offend anyone.

Hindi niya naging intensyon na mang-inggit bagkus nagpapakatotoo lang siya.

She goes for the finer things in life.

But again, ang simpleng suklay na ‘yon ay naging trending topic.

‘Yun daw kasing iba, beinte pesos na suklay ay tinatawaran pa.

Ang suwerte rin daw ng mga kuto sa ulo ng sinumang can-afford na bumili niyon.

At dahil sa sobrang mahal daw ng suklay ay itatago raw nila ‘yon sa kanilang pagtulog.

Nakakapanghinayang daw kung mawala o madekwat.

Still another netizen would rather have the expensive comb framed or laminated.

Let’s give Heart whatever makes her happy lalo’t balita ngang may pinagdadaanan siya. Ronnie Carrasco III