Sulu sarado sa uuwing Pinoy mula Sabah dahil sa bagong COVID variant

Sulu sarado sa uuwing Pinoy mula Sabah dahil sa bagong COVID variant

December 28, 2020 @ 7:48 AM 2 years ago


SULU – Sarado muna ang pintuan ng Sulu sa mga byaherong Pinoy mula sa Sabah, Malaysia dahil sa naiulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019, at bilang pag-iingat na rin na makapasok ito sa probinsya.

Ang kautusan ay mula kay Governor Abdusakur Tan, matapos na makatanggap ang lokal na gobyerno ng impormasyon mula sa Ministry of Health na posibleng may bagong variant na ng COVID-19 sa Malaysia.

Kaagad namang nakipag-ugnayan ang gobernador sa National Government partikula kay COVID-19 National Task Force chief implementer Secretary Carlito Galvez at ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa mga hakbang na gagawin.

Hindi pa malinaw kung hanggang kailan ipatutupad ang moratorium. RNT