Sumatra, Indonesia niyanig ng magnitude 6.7 na lindol

Sumatra, Indonesia niyanig ng magnitude 6.7 na lindol

November 19, 2022 @ 8:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang timog-kanlurang bahagi ng Sumatra, Indonesia nitong Biyernes, Nobyembre 18.

Ito ay ayon sa European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC) kung saan ito ay may lalim na 10 kilometro.

“We have checked with authorities on Enggano island, the closest to epicenter and they reported the earthquake was felt weakly there, so far there has been no reports on damages or casualties, but we are still doing more assessment,” sinabi ni Abdul Muhari, spokesperson ng national disaster mitigation agency.

Sa kabila nito ay hindi umano masyadong naramdaman ng mga residente ang nangyaring lindol.

Makalipas nito ay kagyat na naglabas ng babala ang Indian Ocean Tsunami Warning and Mitigation System (IOTWMS) sa India na kalaunan ay binawi rin.

“Based on pre-run model scenarios, there is NO THREAT to countries in the Indian Ocean.”

Ang Indonesia ay madalas na nakararanas ng lindol dahil ito ay pasok sa Pacific “Ring of Fire” katulad ng Pilipinas. RNT/JGC