Summer MMFF kanselado ngayong taon



Summer MMFF kanselado ngayong taon

April 15, 2021 @ 4:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kanselado ang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon dahil pa rin sa kinakaharap na pandemya.

“The 2021 Metro Manila Film Festival Executive Committee constituted by new MMDA Chairman Benhur Abalos met yesterday (April 14) and have decided on foregoing with the Summer MMFF until partner-cinemas are once again open to the public,” saad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasalukuyang hindi pa rin pinapayagan ang mga sinehan na magbukas bilang pagsunod sa protocol na inilatag ng mga opisyal.

“The MMFF Execom…has set the deadlines this early so that interested producers and filmmakers may be guided accordingly, while observing proper health protocols,” dagdag pa nito.

Sinabi naman na ang deadline ng para sa pagpapasa ng ‘letter of intent’ ay nakatakda sa June 30, 2021 sa ganap na alas-5 ng hapon.

Samantala, ang deadline naman ng finished film entries at iba pang dokumento tulad ng official trailer, clippings, behind the scenes details ay itinakda sa Setyembre 3, 2021 sa ganap na 5 p.m.

“With this, it is the MMFF Execom’s vision to encourage the submission of excellent films that would inspire, uplift and connect to a broader Filipino audience for this year’s Metro Manila Film Festival even as we navigate creatively through this present pandemic,” saad pa sa pahayag. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •