Sumpak ipinagyabang sa kalye, kelot timbog sa Malabon

Sumpak ipinagyabang sa kalye, kelot timbog sa Malabon

March 28, 2022 @ 1:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Binitbit sa selda ang isang lalaki dahil sa paglabag sa gun ban matapos umanong ipagyabang sa kalye ang bitbit na isang improvised shotgun (sumpak) sa Malabon City.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Nortern Police District (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Elmer Montilla, 42 ng Binangonan St., Maypajo, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang DSOU ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaki na may dala umanong baril sa Labahita Alley, Brgy., Longos, Malabon City.

Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng DSOU sa pamumuno ni PCPT Melito Pabon at nakita ng mga ito ang mga suspek na naglalakad habang may bitbit na isang tubo na bakal dakong alas-9 ng gabi.

Nang beripikahin ng mga pulis ay napag-alaman na isa itong improvised shotgun na kargado ng isang bala ng 12 guage shotgun na naging dahilan upang arestuhin nila ang suspek at nakuha sa kanya ang naturang sumpak at bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 at Sec. 261(q) BP 881 in relation to Comelec Resolution no. 10728. Boysan Buenaventura