Sumunod lang naman sa batas: P-Duterte, kumuha ng LTOPF

Sumunod lang naman sa batas: P-Duterte, kumuha ng LTOPF

August 7, 2018 @ 9:05 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Bilang ehemplo sa pagsunod sa batas, kumuha ng Clearance ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa renewal ng kanyang lisensya sa baril.

Kinumpirma ito ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence Bong Go upang makakuha ang pangulo ng License To Own and Possess FireArm (LTOPF).

Ayon kay Go, nag-comply lamang ang Pangulong Duterte sa requirements para sa renewal kabilang na ang drug test at Neuro na pawang naipasa naman ng Punong Ehekutibo.

Ang pangulong Duterte at SAP Go ay kapwa mga responsableng gun owners ng Davao City.

Samantala, si Pangulong Duterte ay mayroong ‘super 38’ na kalibre ng baril habang si Go naman ay may 9mm caliber Pistol. (Kris Jose)