Sundalo na may sakit sa baga nagbaril sa sarili

Sundalo na may sakit sa baga nagbaril sa sarili

August 1, 2020 @ 3:40 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Tacloban City – Tinapos ng isang sundalo ang paghihirap niya sa sakit sa baga matapos magbaril sa sarili habang nakaratay sa pribadong ospital sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Staff Sgt. Reynaldo Abordo Alipo, nakatira sa Bato, Leyte.

Ayon kay P/Maj. Edwin Cañamaque, hepe ng San Jose Police Station 1, hindi na napigilan ang biktima na magbaril sa sarili habang naka-admit sa ospital dahil sa pulmonary problem.

Kuwento ng kapatid ni Alipo na siyang nagbabantay sa ospital, nagulat siya nang makitang may hawak-hawak na baril ang biktima at itinutok sa sarili.

Agad siyang tumawag ng tulong sa mga nurse pero hindi na nila ito napigilan pa sa takot na sa kanila iputok ang baril.

Hanggang sa ipinutok na ng biktima sa sarili ang baril na dahilan ng kanyang kamatayan.

Nabatid na matagal nang iniinda ng biktima ang kanyang sakit at nawalan na rin siya ng pag-asang gumaling pa. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...