Sundalo patay, 2 sugatan sa atake ng Abu Sayyaf sa Sulu

Sundalo patay, 2 sugatan sa atake ng Abu Sayyaf sa Sulu

January 27, 2022 @ 7:30 AM 8 months ago


ZAMBOANGA CITY —Kinumpirma ng kasundaluhan ang pagkasawi ng isang sundalo at pagkasugat ng dalawang iba pa sa pag-atake ng teroristang Abu Sayyaf sa Sulu nitong Martes.

Kinilala ni First Lieutenant Jerrica Manongdo, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, ang nasawi na si Private Joefrazen Tawasil, 25-anyos, ng 45th Infantry Battalion sa nangyaring pag-atake sa Maligay Road, sa Barangay Tugas, Patikul, Martes ng gabi.

Kinilala naman ang dalawa pang kasama ni Tawasil na sina Private Morales at Mulkiri na kasalukuyan nang nagpapagaling sa military station hospital sa Jolo.

Ang nasabing pag-atake ay isinagawa sa ilalim ni Abu Sayyaf subleader Ellam Nasirin, dagdag pa ni Manongdo.

Ikinalungkot naman ng Joint Task Force Sulu ang pagkasawi ni Tawasil, na isa sa mga Tausug graduates sa nakaraang military training nitong 2021.

Maging ang mga residente ng Sulu ay iwinaksi ang nasabing pag-atake. RNT