Sundalo, patay sa ambush sa Camarines Sur

Sundalo, patay sa ambush sa Camarines Sur

July 20, 2018 @ 3:14 PM 5 years ago


 

Naga City – Patay ang isang sundalo sa hanay ng Philippine Army 9th Infantry Division (9ID) matapos itong tambangan sa bayan ng Pamplona sa probinsya ng Camarines Sur Biyernes ng umaga (July 20).

Ayon sa mga pulis, kinilala ang sundalo na si Private First Class Jhonny Franco, 31-anyos, miyembro ng intelligence unit ng 9ID na nakabase sa Camp Elias Angeles sa bayan ng Pili.

Inatake si Franco ng tatlong hindi pa nakikilang suspek dakong alas-10 ng umaga sa Barangay Veneracion, ayon pa sa Pamploma police.

Nalalaglag sa bakod na gawa sa kawayan si Franco matapos siyang pagbabarilin habang ang mga suspek naman ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng mga bala na umano’y mula sa M16 rifle at isang slug na pinaniniwalang mula sa .45 pistol.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon angt mga awtoridad sa nangyaring insidente. (Remate News Team)