Sundalo patay sa kotse

Sundalo patay sa kotse

December 16, 2022 @ 9:50 AM 1 month ago


NAGUILIAN, Isabela – Patay ang isang sundalo matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kotse, iniulat kaninang umaga, Disyembre 16 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Than Joshua Mayor, 21-anyos, kasapi ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at residente ng Bitabian, San Mariano, Isabela.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng silver Suzuki S-Presso na si Reymark Rodriguez, 17-anyos, estudyante, residente ng Minanga, San Mariano, Isabela.

Sa imbestigasyon ng Naguilian Police Station, naganap ang insidente sa provincial road na sakop ng San Manuel, Naguilian, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kulay itim na Yamaha Mio Aerox 155 ng bigla na lamang itong sumalpok sa kotser na minamaneho ni Rodriguez habang sakay nito sina John Rafael at Jhon Lloyd, pawang mga estudyante at residente ng San Mariano, Isabela.

Sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ang biktima at natanggal ang suot nitong helmet dahilan para magtamo ng pinsala sa ulo at katawan.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit nalagutan rin ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico