Sundalo sugatan sa nakubkob na kuta ng NPA

Sundalo sugatan sa nakubkob na kuta ng NPA

November 6, 2022 @ 4:05 PM 4 weeks ago


ABRA – Sugatan ang isang sundalo na nasugatan sa engkwentro ng militar at Communist Terrorist Group (CTG) o rebelde sa Barangay Mogao, Licu-an-baay, Abra.

Kinilala ang nasugatan na si Pvt Marvin Ojascastro, miyembro ng 102nd Infantry Battalion na tinamaan ng bala sa kanyang kaliwang binti.

Una rito, nagsagawa ang tropa ng mga security patrol sa paligid ng naturang barangay nang nakasagupa nila ang mga miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla-North Abra.

Matapos ang 15 minutong bakbakan, nagsitakbuhan ang mga kalaban sa iba’t ibang direksyon.

Pagkatapos naman ng ilang minuto, nagsagawa naman ang tropa ang blocking position nang makasagupa nila ang tumatakas na mga kalaban.

Nagkaraon muli ng limang minutong palitan putukan sa pagitan ng dalawang kampo.

Sa kabuuan, tumagal ng 20 minuto ang engkwentro sa pagitan ngvtropa ng pamahalaan at makakaliwang grupo.

Bago pa ang engkwento, natuklasan umano ng mga sundalo ang isang inabandunang kuta ng grupo ng mga rebelde sa Barangay Cawayan, Licuan-Baay noong Nobyembre 3, 2022.

Matatandaan na dalawang sundalo rin na miyembro ng 24th Infantry Battalion ang nasawi matapos tambangan ng mga NPA habang nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response mission para sa mga biktima ng 6.4 na lindol sa Brgy. Gacab, Malicbong, Abra noong Oktubre 27, 2022.

Ayon kay LtCol. Lemuel Baduya, Battalion Commander ng 102IB, ang engkwentro ay patunay ng puspusan na paghahanap sa pumaslang sa kanilang mga kasamahan at mga biktima ng karahasan ng  rebelde para mapanagot sa batas.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng kasundaluhan para tugusin ang mga rebelde. Rey Velasco