Sundalo sugatan sa sagupaan vs NPA

Sundalo sugatan sa sagupaan vs NPA

January 29, 2023 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sugatan ang isang sundalo matapos ang engkwentro sa pagitan ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Andres, Quezon Biyernes ng gabi, Enero 27.

Ayon sa ulat, patuloy na nagsasagawa ng clearing operations sa lugar ang 85th Infantry Batallion ng Philippine Army sa lugar kung saan naganap ang bakbakan.

Dinala naman sa isang ospital sa Lucena City, Quezon ang sugatang sundalo.

Samantala, nadiskubre naman ang mga pampasabog at mga dokumento sa mga lugar kung saan dumaan ang rebeldeng grupo.

Ayon sa Philippine Army, nagtago ng ilang buwan ang mga rebelde sa Camarines Norte bago tuluyang bumalik sa Quezon province para manggulo.

Kinumpirma naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Medel Aguilar na naganap nga ang engkwentro sa
Barangay Pansoy, San Andres, Quezon.

“We expect our field units to provide the details of the incident soon,” ani Aguilar. RNT/JGC