‘Sunflower Queen’ sa Pinas, kilalanin!

‘Sunflower Queen’ sa Pinas, kilalanin!

June 7, 2018 @ 4:55 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Trending ngayon ang tinaguriang ‘Sunflower queen’ ng Mandaluyong City dahil sa kanyang ka-adikan sa sunflower.

Sinasakop na kasi ng bulaklak na ito ang bahay ng 48-years-old na nanay na si Angelica Arciaga.

Sinimulan niya muna sa pagbili ng mga kurtinang may burdang sunflower hanggang sa may nakita siyang mga ceramic na may katulad na disenyo.

Hanggang sa pati mga pader at pinto, maging mga gamit sa kusina, banyo, sala at mga silid-tulugan ay naninilaw na sa disenyo ng sunflower.

Ayon kay Nanay Angelica, na-iinspire kasi siya ng bulaklak na ito dahil tila sinasabihan siya nitong palaging may pag-asa.

Sa kabila naman ng ganitong hilig ng ilaw ng tahanan, suportado siya ng kanyang pamilya at maging sila ay nagsisimula na ring mahilig sa nasabing disenyo. (Remate News Team)