Sunod na admin wala nang problema sa suplay; 100M jabs, tira

Sunod na admin wala nang problema sa suplay; 100M jabs, tira

April 21, 2022 @ 7:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sapat pa rin ang natitirang 100 milyong coronavirus vaccine doses na stockpile para sa vaccination operations ngayong taon.

“We are confident we can distribute and administer these 100 million doses this year,” ayon kay National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr.

Aniya, ang natitirang stockpile na 10 milyong doses ay gagamitin sa pediatric age groups, 60 milyong doses bilang booster shots, 1.8 milyong doses para sa mga lolo’t lola o senior citizens at 24 milyong doses para sa fourth dose o second booster shots.

“Part of our strategy is that those we have procured from last year, it can suffice to 2022,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Nauna rito, nakapaglaan ang pamahalaan ng P45.3 bilyong piso para sa pagbili ng Covid-19 vaccine booster shots para ngayong taon.

“Hindi na po natin nagamit yun sa ngayong year dahil napababa po naitn ang presyo ng vaccine during our first negotiation,” aniya pa rin.

“Yung savings po natin ay nagagamit natin sa 2022 vaccination,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Ang 144 million doses programmed para sa nakalipas na taon ay nagamit na kung saan 66.9 milyong katao ang nakatanggap ng dalawang primary series at 12.5 milyon naman ang nabigyan ng booster shots habang 5.1 milyong indibiduwal ang naghihintay para sa kanilang second doses.

Ani Galvez, ang inilaang P45.3 bilyong piso ay multi-lateral loans ng pamahalaan sa Asian Development Bank (ADB), World Bank, at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

“Considering also that next administration will take over, we intended not to use this P45 billion since the remaining 100 million doses in the stockpile can sufficiently—suffice the 2022 vaccination,” ayon kay Galvez.

Samantala, sinabi ni Galvez na nakabili na ang administrasyong Duterte ng kinakailangang bilang ng vaccine supplies needed para sa vaccination program ngayong taon.

“Para po wala ng problema ang next administration,” aniya pa rin. Kris Jose