Sunod na DSWD chief, dapat walang political plans – solon

Sunod na DSWD chief, dapat walang political plans – solon

January 30, 2023 @ 12:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umapela si House Minority Leader Marcelino Libanan kay Pangulong Bongbong Maros na ang piliing susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) ay yung walang balak na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

“We would urge the President to appoint a DSWD secretary who is not interested or involved in politics, and who has a lot of compassion for the poor and marginalized. The country does not need a DSWD head who is keen on running for public office in the 2025 or 2028 elections,” pahayag ni Libanan.

Ani Libanan, kung may balak sa politika ang magiging DSWD Secretary ay tiyak na hindi ito makapagsisilbi nang maayos sa ahensya dahil mangunguna ang intensyon na kumandidato.

Ang posisyon bilang DSWD secretary ay nanatiling bakante matapos hindi aprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Erwin Tulfo bilang kalihim ng ahensya dahil sa kanyang libel conviction at citizenship.

Si Undersecretary Edu Punay, na dating journalist ang syang itinalagang DSWD officer-in-charge.

Ilang sektor naman ang pumupuri kay Punay bilang DSWD OIC dahil sa maagap nitong pagtugon sa pangangailangan ng libo libong residente na nasalantala ng malawakang pagbaha at landslides sa Eastern Visayas dahil sa tuloy tuloy na pag -uulan dala ng hanging amihan at low pressure area. Gail Mendoza