Sunod na hakbang sa asukal, coconut industry tinalakay nina PBBM, agri officials

Sunod na hakbang sa asukal, coconut industry tinalakay nina PBBM, agri officials

August 2, 2022 @ 8:24 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para pag-usapan ang magiging “course of action” na ikakasa ng gobyerno sa usapin ng asukal at coconut industry.

“They also touched on the Agri-Credit Development to help the sector coordinate and collaborate with private financing institutions,” ayon sa isang Facebook post, mula ss official Facebook page ng Office of the President (OP).

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagbibigay ng detalye ang Malakanyang hinggil sa naging pagpupulong ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng agriculture department.

Sa ulat, sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na posibleng magkulang ang suplay ng asukal sa bansa sa Agosto sakaling ipagbawal ng pamahalaan ang importasyon ng asukal.

Sinabi ng SRA na isa lamang sa 13 refineries ang operational dahil karamihan sa kanila ay tumigil na sa produksyon noong Mayo.

“If we rely on our local production alone and do not allow importation, by August, we won’t have enough sugar and we won’t have any carryover stocks for our needs in the coming months until production builds up,” pahayag ng SRA.
“Refineries also start later than the raw mills since refineries need to wait for raw sugar stock to build up before they can start refining,” giit pa nito.

Aabot ang carry-over stock para sa refined sugar ng bansa, ayon sa SRA, sa 144,000 metric tons.

“Our estimated refined sugar production is 771,000 metric tons giving us a total refined sugar stock balance of 915.000 metric tons,” patuloy nito.

Subalit ang estimated demand ng bansa para sa refined sugar ay 943,000 metric tons, na may average monthly demand na 83,000 metric tons.

Para sa mga indibidwal naman na hindi naniniwalang may kakulangan sa asukal, sinabi ng SRA na, “sugar shortage is real, it is not a figment of the imagination.”

“Those who claim otherwise either 1) do not have all the information they need to properly analyze the situation; 2) are just trying to manipulate perception to suit their own self-interest and hidden agenda; or 3) refuse to see what is right in front of them because of their own delusions.” Kris Jose