SUNOG NA NAMAN? SUS GINOO!

SUNOG NA NAMAN? SUS GINOO!

February 21, 2023 @ 2:16 AM 1 month ago


PARAMI nang parami ang sunog, lalo na sa Metro Manila! Nagpapasalamat naman tayo at walang gaanong pinsala sa mga mamamayang tinatamaan ng sunog.

Isang napakahalagang tanong: Paano kaya mapipigilan ang pagkakaroon ng sunog?

                                                 4 SA IISANGARAW

Nitong nagdaang mga araw, apat na sunog ang naganap sa iisang araw. Kasama ang naganap sa Park Avenue Extension, Brgy. 75, sa Pasay City na ikinatupok ng pitong tahanan na tinitirhan ng 20 pamilya.

Sa Muntinlupa, 51 pamilya naman ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog sa maraming bahay sa Brgy. Poblacion.

Sa isang bahagi ng kahabaan ng Mindanao St. sa Sampaloc, Manila, nasunog din ang isang umano’y abandonadong bahay at ilang barong-barong.

Sa Baseco Compound sa Port Area, Manila, nagkaroon din ng sunog.

Hindi man nakapagbigay ang Bureau of Fire Protection ng bilang ng mga biktima sa dalawang sunog sa Maynila, karaniwang marami ang biktima sa ganitong sunog.

                                                 KAKAIBA SAPASAY

May kakaibang nangyari sa Pasay City sa ilalim ni city fire marshal Supt. MarianoTaguiam.

Isinauli nito at kanyang mga tauhan ang P116,000 na nasagip nila mula sa isang bahay.

Dito, sumasaludo ang Lupa’t Langit at ang Remate sa inyong hindi masusukat na katangian sa pagmamalasakit sa mga biktima ng kalamidad.

Bibihira ang ganyan at karaniwang inaakusahan ang ilang bumbero na isinasabay nila ang pagsasamantala sa mga oras ng sunog sa halip na purong pagliligtas ng buhay at pagsalba ng ari-arian ang dapat nilang gawin.

May ilang bumbero ngang nakapagpatayo ng bahay para sa mga “darling” nila na iba sa kanilang mga pinakasalan dahil sa mga sunog.

                                                                     PAANO NGA BA?

Paano nga ba maiwasan ang mga sunog?

Makatutulong ba ang regular na pag-uusap at ehersisyo ng mga mamamayan at mga opisyal ng barangay para rito sa halip na ipaubaya ang lahat sa BFP at sa Diyos?