Sunog sa Metropolitan Theatre naapula na

Sunog sa Metropolitan Theatre naapula na

June 17, 2022 @ 11:09 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naapula na ang sunog sa gusali ng Metropolitan Theatre sa Arroceros, Ermita, Maynila ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, hindi naman nadamay o naapektuhan ang pinakasentro ng teatro.

Alas-8:55 ng umaga nang magsimula ang sunog na agad itinaas sa ikalawang alarma ganap na alas-9.

Alas-9:23 ng umaga naman nang ideklarang fire under control ang sunog at naapula ito ng alas-9:41 ng umaga.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa dating opisina ng ticketing office na ginawag barracks ng mga construction worker .

Dahil sa sunog, ilang motorista ang hindi pinadaan sa lugar upang bigyan daan ang mga rumidpondeng mga bumbero.

Wala pa naman inilalabas na impormasyon kung anong dahilan ng insidente at wala rin naitala na nasaktan sa sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente para malaman ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden