Sunog sa Paco, Maynila inakyat na sa ikalawang alarma

Sunog sa Paco, Maynila inakyat na sa ikalawang alarma

September 14, 2022 @ 11:08 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inakyat na sa ikalawang alarma ang sunog sa isang residential area sa Paco, Maynila ngayong umaga ng Miyerkules, Setyembre 14.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ng Bureau of Fire Protection – Manila, nagsimula ang sunog alas 10:02 ng umaga sa isang bahay na gawa sa light materials sa Cristobal St., sa nasabing lugar.

Mabilis namang lumaki ang apoy kaya agad itinaas ang alarma.

Tuloy-tuloy naman ang pagdating ng mga fire trucks mula sa ibat-ibang lugar para tulong-tulong na maapula ang sunog na patuloy na lumalaki. Jocelyn Tabangcura-Domenden

This is a developing story.