Sunog sa Tondo, patuloy pa rin

Sunog sa Tondo, patuloy pa rin

July 30, 2020 @ 12:12 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy pa ring inaapula ng mga fire volunteer at Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa  Bambang sa Tondo, Maynila ngayong Huwebes.

Ayon sa huling update ng BFP, nagpapatuloy pa rin ang pagbomba ng tubig ng mga bumbero sa mga bodega na tinupok ng apoy.

Nabatid na nasa 19 bodega ng mga laruan, furniture, medical supplies at tela sa Bambang Extention  kanto ng  Narra St, Tondo ang tinutupok ng apoy.

Agad na itinaas sa ikatlong alarma  pasado alas-11 ng gabi at hanggang ngayon ay binabantayan pa ng BFP ang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...