Sunog, sumiklab sa Araneta Coliseum; Laro ng PBA kinansela!

Sunog, sumiklab sa Araneta Coliseum; Laro ng PBA kinansela!

April 20, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa south gate ng Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-11:49 ng umaga ng Miyerkules, sa kisame ng Gateway Mall 2 ng Araneta Coliseum kung saan may isinasagawang construction activity.

Nangyari ang sunog sa kasagsagan ng 3×3 Second Conference Grand Finals ng PBA.

Agad namang itinigil ang laro at inilikas ang mga tao sa court.

Ala-1:08 na ng hapon nang maapula ang apoy.

Wala namang nasaktan sa insidente.

“The management extends its gratitude to the Bureau of Fire Protection for the quick response,” pahayag ng Araneta Group.

“To ensure everyone’s safety, the scheduled PBA Finals Game 6 today is postponed to give way to security checks. All ticketholders are advised to stand by for refund details from TicketNet. We apologize for the inconvenience.” RNT/ JCM/ Jan Sinocruz