Sunog sumiklab sa gusali ng LTO sa QC

Sunog sumiklab sa gusali ng LTO sa QC

November 13, 2022 @ 4:03 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumklab ang sunog sa gusali ng Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Brgy. Pinyahan, Quezon City nitong Linggo, Nobyembre 13.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 11:08 ng umaga at idineklarang fire under control na pagsapit ng 11:14 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na itong naapula.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog. RNT/JGC