Sunog sumiklab sa palengke sa Negros Occidental

Sunog sumiklab sa palengke sa Negros Occidental

July 14, 2018 @ 9:01 AM 4 years ago


Negros Occidental – Natupok ang tatlong tindahan habang nadamay ang tatlong iba pa sa isang palengke sa Barangay Ma-ao, Bago City, Negros Occidental Biyernes (July 13) ng gabi.

Nagsimula ang apoy sa isang gilingan na malapit sa isang karinderya, kuwento ng ilang negosyanteng nakakita sa insidente at agad ding kumalat dahil karamihan sa mga tindahan ay gawa sa light materials.

Sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod, wala namang naireport na nasaktan sa sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi nito. (Remate News Team)