Sunog sumiklab sa QC

Sunog sumiklab sa QC

November 28, 2022 @ 5:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area na nakadamay pa ng ilang establisyemento sa Capoas Street corner Toktokan Street sa Barangay Masambong, Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 28.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) National Capital Region, ang sunog ay nagsimula 1:08 ng hapon at umabot sa ikatlong alarma pagsapit ng 1:17 ng hapon.

Idineklara naman na fire out na ang sunog pagsapit ng 2:21 ng hapon.

Isa ang iniulat na nasaktan sa nangyaring sunog na nagtamo ng sugat sa binti at agad naman itong binigyan ng lunas ng BFP.

Sa ulat, nagsimula ang sunog sa isang gusali na gawa sa light materials na nagresulta sa mas mabilis na pagkalat ng apoy sa mga karatig-bahay at commercial establishments.

Nahirapan naman ang mga awtoridad na rumesponde sa lugar dahil sa masikip at maraming mga tao sa lugar. RNT/JGC