Sunog sumiklab sa tindahan sa Mandaluyong Starmall

Sunog sumiklab sa tindahan sa Mandaluyong Starmall

June 2, 2021 @ 7:25 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang tindahan sa Starmall shopping center sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City ngayong Miyerkoles ng umaga.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-6 ng umaga at umabot pa sa unang alarma.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador ang ugat ng sunog. RNT/FGDC