Sunog sumiklab sa warehouse sa Paranaque

Sunog sumiklab sa warehouse sa Paranaque

September 3, 2021 @ 1:44 PM 10 months ago


 MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog na umabot sa unang alarma sa isang warehouse sa Paranaque City.

Nagsimula ito mag-a-alas diyes ng umaga ngayong Biyernes, Setyembre 3 sa bahagi ng Kabihasnan Road, Barangay San Dionisio.

Ayon sa Bureau of Fire Protection agad din naman itong naapula at idineklarang fire under control 10:45 ng umaga. Tuluyan itong naapula ilang minuto lamang matapos nito.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang halaga ng pinsala ngunit sinigurong walang nasawi o nasaktan sa nangyaring sunog. RNT/JC