Suns nanlamig vs Bucks sa Game 3

Suns nanlamig vs Bucks sa Game 3

July 12, 2021 @ 11:09 AM 1 year ago


MANILA, Philippines  – Naging malaking tulong para kay Giannis Antetokounmpo at Milwaukee Bucks ang kanilang pagbabalik sa home court matapos  bawian at tambakan ang Phoenix Suns, 120-100, sa Game 3 ng 2021 NBA Finals.

Kumamada si Antetokounmpo, two-time NBA MVP, ng 41 points, 13 rebounds at six assists para pangunahan ang Buks sa panalo sa unang pagkakataon sa serye.

Humahabol ang Milwaukee sa Phoenix sa kartadang  2-1 sa kanilang best-of-seven series NBA Finals na labanan.

Umambag si Jrue Holiday ng 21 points at nine assists habang si Khris Middleton ay may 18 markers, seven boards, at six assists.

Nanguna naman sa Suns ang trash talker na si Chris Paul na may 19 points at nine assists.

Hindi naman pinaglaro ng Suns ang kanilang pambatong si Devin Bookers matapos itong magkaroon ng over fatigue bunsod ng kanilang magkasunod na panalo sa Game 1 at 2.

Sinumulan ng Bucks ang pagdurog sa Suns sa 2nd quarter matapos maglunsad si Antetokounmpo ng 9-0 run para makuha ang anim na puntos na kalamangan, 44-38.

Gagawin ang Game 4 sa home court ng Milwaukee sa Miyerkules.Rico Navarro