Suns naupos vs Lakers sa Game 3

Suns naupos vs Lakers sa Game 3

May 28, 2021 @ 1:26 PM 2 years ago


LOS ANGELES – Ibinulsa ng Los Angeles Lakers ang pangunguna sa kartadang 2-1 sa round 1 ng  NBA playoffs matapos gibain sa Game 3 ang No. 2 seed Phoenix Suns sa iskor na 109-95.

Matapos matalo sa Game 1, umariba ang No. 7-ranked Lakers ng back-to-back na panalo upang maungusan sa Western Conference ang Suns sa best-of-seven series.

Nanguna sa naging panalo ng Lakers si Anthony Davis na umiskor ng 34 points at humablot ng 11 rebounds habang umambag si LeBron James 21 points, six rebounds at nine assists.

Muling magsasagupa ang dalawang koponan sa nagbabagang bakbakan sa playoffs sa Lunes (Manila time), para sa Game 4.

Target ng Suns na makabawi sa serye at maitabla ang laban sa 2-2 upang hindi sila mabaon sa kumunoy at  balag ng alanganin.Rico Navarro