Sunshine at Cesar, sa Bohol magnu-New Year!

Sunshine at Cesar, sa Bohol magnu-New Year!

December 23, 2022 @ 7:21 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Bonus na raw ni Sunshine Cruz ang ipagdiwang sa Bohol ang paparating na New Year’s Eve.

Bonus in the sense na puro trabaho raw ang inatupag niya this 2022.

Pagkakataon na rin daw ng aktres ‘yon para makabiyahe kasama ang kanyang tatlong anak.

Kakarayin daw ni Sunshine ang mga anak na sina Angelina, Samantha at Francheska.
All three girls are fathered by Cesar Montano.

Makakasama raw ng mag- iina si Diego Loyzaga, anak ni Cesar sa dating karelasyong si Teresa Loyzaga.

And if plans don’t miscarry, posible ring sumama sa Bohol si Cesar, ang karelasyon nito ngayon at kanilang anak.

Kamakailan, inimbitahan ni Sunshine ang nobya ni Cesar who in turn invited the actress to the birthday of her daughter.

Bohol ang home province ni Cesar.

Upon return from their Bohol New Year vacation, sasabak na uli si Sunshine sa pelikulang An Affair to Forget with Allen Dizon.

Magiging abala rin ang aktres sa taping ng TV adaptation ng 80s film na Underage kung saan kasama niya ang original cast member nitong si Snooky. Ronnie Carrasco III