Sunshine at Macky, hiwalay na?

Sunshine at Macky, hiwalay na?

September 26, 2022 @ 7:57 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Kilala si Sunshine Cruz na madalas mag-post sa social media, maganda man o pangit ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

Umariba na naman ang mga tinaguriang Marites na naiintriga kung bakit hindi na pina-follow ni Sunshine at boyfriend na si Macky Mathay ang isa’t isa.

Nagkakaisang tanong ng mga curious netizens: break na nga ba ang dalawa?

Pero kung ang pagbabasehan ay mga litrato nila together ay naroon pa rin daw sa Instagram.

Maging ang profile picture ni Macky na magkasama sila ni Sunshine ay intact pa rin.

Maaalalang makahulugan ang recent post ng aktres tungkol sa mga realizations sa buhay while locked in for a taping.

May mga hamon daw sa buhay na kailangang tugunan with a positive attitude.

She wrote: “Live it, love it and learn a lesson from it.”

Ang huling post ni Sunshine was a picture with Macky sa 18th birthday ng anak na si Samantha.

Noong 21st birthday naman ng isa pang anak na si Angeline ay kapansin-pansin na wala sa mga photos si Macky.

Together with her kids and friiends, ipinagdiwang ni Sunshine ang kaarawan ng anak by taking an out of town trip.

Are Sunshine’s and Macky’s respective Instagram accounts telling us something?

Break na nga ba sila tulad ng karamihan sa mga celebrity couples who announce their breakup on social media?

Taong 2015 when Sunshine and Macky announced their relationship in public.

Inamin din noon ni Macky na long-time crush niya ang aktres who came into his life noong ma-annul ang kasal nito kay Cesar Montano.

Kung totoong split na ang dalawa, ang weird lang na kung okey na okey na ang relasyon ni Sunshine kay Cesar ay saka naman sila nagkasira ni Macky. Ronnie Carrasco III