Sunshine Cruz at Macky Mathay, may balak bang magpakasal?

Sunshine Cruz at Macky Mathay, may balak bang magpakasal?

July 18, 2018 @ 6:36 PM 4 years ago


“Tapusin muna naming ang dapat ayusin.”

‘Yan ang say ni Sunshine Cruz nang tanungin kung may balak pa silang magpakasal ng boyfie nitong si Macky Mathay.

Nilinaw ni Sunshine Cruz na hindi sila nagmamadaling magpakasal at mahalaga raw sa ngayon ay nagkakaintindihan sa kanilang mga prayoridad sa buhay.

“For now, chill-chill lang, di ba? Let’s just cross the bridge when we get there. We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado, ” dagdag pa ng 41-year-old na estranged wife ni Cesar Montano.

“I’m busy with my kids and my work. He understands and supports me and my children in a way.

“So I’m thankful that someone like him is there for me.”

Kapwa hiwalay na sa kani-kanilang asawa ang dalawa na naging magkarelasyon mula noong September 18, 2016.

Sa ngayon ay on-process pa ang annulment ng kasal ni Sunshine at Cesar habang  wala pang desisyon kung magpapa-annul si Macky sa dating misis na si Camille Fariñas, anak ni Ilocos Norte Representative Rodolfo “Rudy” Fariñas. (Remate News Team)