Sunshine, may mensahe sa scammer, isinalba ang ex!

Sunshine, may mensahe sa scammer, isinalba ang ex!

January 4, 2023 @ 11:35 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Ang pagiging biktima ng scam ni Tom Rodriguez ang itinuturong dahilan ng umano’y pakikipaghiwalay ni Carla Abellana sa kanya noong isang taon.

Allegedly, hindi raw birong halaga ang naloko kay Tom.

Ang masaklap, damay umano pati pera ni Carla.

Muling nabuhay ang isyung ito matapos magpost si Sunshine Dizon tungkol sa isang scammer na dinaan niya sa blind item.

Post ng aktres: “Moving forward, hoping he would change his ways and that his children will find in their hearts to forgive him once more.”

Bagama’t binura na ni Sunshine ang naturang post, maugong ang usap-usapan sa showbiz na posibleng ang scammer na tinutukoy ni Sunshine ay ang taong nang-scam kay Tom.

Deliberately, binura ni Sunshine ang post niyang ‘yon para hindi na raw madamay ang ibang tao.

May mga netizen kasi na nag-isip na ang pinatutungkulan ng aktres ay ang dating karelasyon na si Timothy Tan.

Kagyat namang nilinis ni Sunshine ang pangalan nito.

Aniya in her post: “It was never about Timothy Tan. Inspite of our differences, Timothy was and is still a decent father.”

Dahil ruled out na si Timothy as the scammer Sunshine alluded to kung kaya nabaling ang isyu sa taong nanloko kay Tom.

Matatandaang election-related ang scam issue na kinasangkutan ni Tom which made his finances suffer.

Not only did Tom lose his hard-earned money, he also lost his wife Carla.

Inaantabayanan ng mga netizens ang susunod na post ni Sunshine kaugnay ng misteryosong scammer. Ronnie Carrasco III