Sunshine, humingi ng tawad sa 2 anak!

Sunshine, humingi ng tawad sa 2 anak!

February 16, 2023 @ 1:21 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Sunshine Dizon tried so much as she could to save her marriage but no to avail.

Ito ang buod ng panayam sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda.

Taong 2016 pa noong mahiwalay si Sunshine sa asawang si Timothy Tan, who she considered as her best friend, confidante and partner, with whom may dalawang anak siya.

Pero sa isang iglap daw ay nagising na lang siyang Timothy was a different person from who she had known.

Para na lang daw sa kapakanan ng kanilang mga anak ay nakisama pa rin ang aktres sa kanya sa iisang bubong but slept in different room.

Hindi raw alam ni Sunshine kung saan siya nagkulang o sumobra.

Noon daw ay hindi pa niya kayang magsalita dahil pinoproseso pa niya ang sakit dulot ng kanilang paghihiwalay.

Mas nanaig daw kasi ang galit sa puso niya.

Pero sa kabila ng ilang taon na nilang paghihiwalay ni Timothy, Sunshine admitted na mahal pa rin niya ito.

Kaya raw niyang magpatawad, pero hindi ang makalimot.

This explains why she was diagnosed with PTSD o post-traumatic stress disorder na kinambalan pa ng anxiety, depression at iba pa.

Humihingi si Sunshine ng kapatawaran mula sa kanyang dalawang anak for not being able to give them a perfect family they wanted.

Sa ngayon, mas focused si Sunshine sa kanyang trabaho.

She’s cast in GMA’s Mga Lihim ni Urduja.

Why the return to GMA after she moved to the rival network ay dahil freelancer ang status ng aktres.

“I can work with any station that I want,” paglilinaw ng ngayo’y matapang na aktres who’s facing her life struugles head-on. Ronnie Carrasco III