Sunshine, inimbitahan si Kath, nag-bonding!

Sunshine, inimbitahan si Kath, nag-bonding!

December 3, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sino’ng maysabing imposibleng maging magkaibigan ang nakaraan at kasalukyang mga babae sa buhay pag-ibig ng isang lalaki?

Pinatunayan ito ni Sunshine Cruz at ni Kath Angeles, ang past and present sa makulay na lovelife ni Cesar Montano.

Inimbitahan kasi ni Sunshine si Kath sa pagdiriwang ng 17th birthday ng kanyang anak na si Cheska.

Si Cheska ang bunso sa tatlong anak ni Sunshine kay Cesar, the two others being Angelina and Sam.

Nagpaunlak naman si Kath sa paanyaya ng aktres.

Isinama pa nito si Kristen, ang kanyang anak kay Cesar.

Matatandaang nauna nang nagsama sina Sunshine at Kath nang ipagdiwang ni Angelina ang kanyan birthday last September 23.

Four days later, nagpost si Sunshine ng pasasalamat dahil sa wakas daw ay natuldukan na ang sigalot sa kanyang pamilya.

Ikinatuwa pa nga raw ng tatlong dalagang anak ni Sunshine ang pagkakaroon ng bagong tita sa katauhan ni Kath.

All three girls address Kath as Tita.

Ikinagalak ni Sunshine ang aniya’y blended family nila.

Kasabay nito’y inihayag ni Sunshine na totoo ang kasabihang: “Time heals all wounds.”

Not only has Sunshine become close to Kath, maging ang unang nakarelasyon ni Cesar na si Teresa Loyzaga ay malapit din sa kanya.

May anak din si Cesar kay Teresa, si Diego na very close sa mga kapatid niya sa ama.

Matatandaang naging masalimuot ang relasyon dati ni Sunshine kay Cesar, kung saan damay pati ang kanilang mga anak.

Pero gaya nga ng paniniwala ni Sunshine, walang sugat ang hindi naghihilom sa paglipas ng panahon.

In God’s perfect time, ‘ika nga. Ronnie Carrasco III