Sunshine, isinugod sa ospital!

Sunshine, isinugod sa ospital!

December 5, 2022 @ 10:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagpaabot ng get well wishes ang mga celebrity friends ni Sunshine Dizon matapos itong isugod sa isang undisclosed hospital madaling araw nitong December 3, Sabado.

Sina Danica Sotto, Iza Calzado at iba ang ilan lang who posted their wish na bumuti ang kalagayan ni Sunshine.

Ayon mismo sa post ng 39 anyos na aktres, na- diagnose siya na merong post-traumatic stress disorder o PTSD, panic attacks, depression at abandonment issues.

Ipinost pa ni Sunshine ang ilang banig ng kanyang mga prescribed medicines.

Nagsilbing pagkakataon daw ang hospital confinement niyang ‘yon para bigyang daan ang ilang realizations sa buhay.

Wala naman daw kinalaman ‘yon sa kanyang trabaho.

Pero inamin niyang may mga regrets o pinagsisisihan siya sa buhay lalo’t sa isang taon ay kuwarenta anyos na siya.

Tinatanong daw niya ang kanyang sarili kung all worth it daw ba ang ilang desisyon niya sa buhay.

Maaaring itanong daw ng marami kung bakit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para isiwalat ang kanyang pinagdadaanan.

Sinadya raw ni Sunshine na ilihim ‘yon dahil sa nakakabit na stigma pag sinabing may mental health issue ang isang tao.

Aniya, “But it’s hard if it gets stuck in your head.”

Sunshine began as a child star who later emerged to be one of the most accomplished actresses.

Sinubukan din niyang magdirek.

For the longest time ay nasa Kapuso network si Sunshine until she decided to transfer to ABS-CBN where she was offered a role in Marry Me, Marry You. Ronnie Carrasco III