Sunshine, naburo sa Dos, balik Siyete!

Sunshine, naburo sa Dos, balik Siyete!

January 20, 2023 @ 1:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Kabilang sa cast ng Mga Lihim ni Urduja ng GMA si Sunshine Dizon.

Gulat kayo, ‘no?

Well, Sunshine is back sa istasyong nilayasan niya noong April 2021 after her stay for 25 years.

She left in favor of ABS-CBN which in fairness welcomes her with open arms.

Agad nagkaroon ng TV project si Sunshine via Marry Me, Marry You.

‘Yun nga lang, kung bida siya sa huli niyang project sa GMA na Magkaagaw before she left in 2021 ay hindi siya bida in her first series sa nilipatang istasyon.

Lumalabas na support lang si Sunshine sa mga bidang si Janine Gutierrez na galing ding GMA at rumored boyfriend na si Paulo Avelino.

Maraming netizens tuloy ang nagpapamukha kay Sunshine ng kanyang maling desisyon.

Kesyo ang lakas daw ng loob niyang layasan ang GMA only to crawl her way back.

May ilan namang nakakaunawa kay Sunshine for accepting the Urduja project tampok sina Kylie Padilla at Sanya Lopez.

Kahit sino naman daw ang maburo’t matengga’y tiyak na maghahanap ng paraan to survive.

Besides, freelance artist naman daw si Sunshine, therefore, hindi siya pag-aari ng anumang network.

In short, spare Sunshine the intriga! Ronnie Carrasco III