Sunshine, nagsalita na sa breakup nila ni Macky, nagpatutsadang may third party!

Sunshine, nagsalita na sa breakup nila ni Macky, nagpatutsadang may third party!

February 3, 2023 @ 12:50 PM 2 months ago


Manilla, Philippines – Sa dalawang relasyong pinasok ni Sunshine Cruz ay umasa siyang tatanda siya kasama ng mga ito.

Unang dumating sa buhay niya si Cesar Montano who she hoped she’d grow old with.

Pero nagkahiwalay sila.

Sinundan ito ni Macky Mathay who again she hoped na makakasama niya sa pagtanda.

Again, their relationship fell apart.

September last year nang pumutok ang balitang nagkahiwalay sila.

But neither Sunshine nor Macky wanted to talk about their reported breakup.

All that Sunshine posted noong mga panahong ‘yon were her realizations.

Nitong February 2, binasag na ng 45 anyos na aktres ang kanyang pananahimik, five months after magkahiwalay sila.

Hindi man binanggit ni Sunshine ang dahilan ng kanilang breakup, inamin niyang she chose to keep quiet alang-alang sa respective kids nila ni Macky.

Napamahal na raw kasi sa kanya ang mga anak ng dating nobyo, kung paanong napamahal na rin kay Macky ang kanyang tatlong anak.

Sunshine has three daughters by Cesar.

Isa pa raw dahilan ng ‘di niya pagsasalita noon was that she didn’t want to involve the public.

Sabi pa ng aktres, napagtanto niya na hindi lang love ang tanging mahalaga sa isang relasyon.

“Pag nawala na ‘yung trust, nawala na ‘yung respeto, the relationship won’t last long,” aniya.

Kinailangan daw niyang magdesisyon lalo’t sa tingin niya’y walang pinatutunguhan ang relasyon nila ni Macky.

Diretsong tinanong ni Boy Abunda si Sunshine kung may third party involved sa hiwalayan nila ni Macky.

Pero mariing sagot ng aktres, wala raw siya sa posisyon para sagutin ang tanong.

So, Macky was cheating on her? Obvuous ba?! Ronnie Carrasco III