Sunshine, rumesbak sa basher ng dance video!

Sunshine, rumesbak sa basher ng dance video!

October 14, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


Manila, Philippines – This is a free country after all.

Ito ang malimit ikinakatwiran ng mga taong gumagawa ng ‘di naaayon sa panlasa ng publiko.

But for as along as they don’t trample upon anybody’s rights ay walang masama sa ginagawa nila.

This is the same line of reasoning na pinanghahawakan ni Sunshine Cruz laban sa kanyang mga basher na nasasagwaan sa kanyang mga dance video.

Ang mga ito’y buong pagmamalaki pang ipinopost ng 45 anyos na aktres sa kanyang mga social media accounts tulad ng Facebook, Instagram at Tiktok.

Ayon sa mga mapanlait na netizens, hindi na raw bagay kay Sunshine ang nagbi-video ng kanyang mga sayaw lalo’t tatlo na ang mga anak niya.

Trying hard daw ang dating.

Kung maaari raw ay bumalik siya sa nakaraan at usual aura, but no to dancing.

“Stop it!” pag-uutos pa ng basher.

Knowing Sunshine, hindi niya pinalampas ang naturang comment.

Aniya: “No, I won’t stop. Fun knows no age limit.”

Kahit daw sinong magulang ay may kalayaang magsaya.

“In fact, it’s my children who encourage me that’s why I’m proud of them and I know they’re proud of me.”

Kunsabagay, what should stop Sunshine from wanting to have fun?

Wala namang iniwan ‘yon sa mga may edad ding kababaihan who are into zumba to keep themselves fit?

To each his or her own lang ‘yan. Or baka naiinggit lang ang ilan dahil even at 45, keri pa ni Sunshine na umindak at bagay naman? Ronnie Carrasco III