Sunshine, rumesbak sa nagsabing puro ‘tuldok’ ang kanyang mukha!

Sunshine, rumesbak sa nagsabing puro ‘tuldok’ ang kanyang mukha!

July 12, 2021 @ 7:22 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Si Sunshine Dizon ba ang tipo ng pikon pag bina-bash sa social media?

Sagot: Depende.

Nito lang ay nag-post si Sunshine ng kanyang litrato sa Instagram nang walang makeup.

Kaagad itong napansin ng isang netizen na nag-comment na hindi naman daw pala kakinisan ang mukha ng aktres lalo’t hindi naka-makeup.

Prangkang diniretso ng netizen si Sunshine, “Puro tuldok naman ang mukha mo pag walang makeup!”

Ang tuldok na tinutukoy ng basher ay mga freckles sa mukha ng aktres, na nagpasintabi muna bago ito rumesbak: “Sensya na, nasa dugo kasi namin ‘to.”

Pero may pahabol si Sunshine, “Okey na ‘yung freckles kesa sa hindi ka na nga maganda, pangit pa ugali mo!”

Ang kinalabasan tuloy, ang baaher ang ginang-up o kinuyog ng ibang netizens para ipagtanggol si Sunshine.

Kung sa mapagpatol ay talagang pumapatol si Sunshine sa mga basher sa social media, but she does it with flair. Laging may kasamang matalinong paliwanag ang kanyang mga buwelta. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •