Sunshine, tinawag na lola, rumesbak!

Sunshine, tinawag na lola, rumesbak!

April 6, 2022 @ 4:50 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Sunshine Cruz takes pride in the fact that she’s 44 years old.

Ipinost niya ito sa kanyang Facebook account bilang resbak sa dalawang bshers, one of whom called her lola.

Kasama ring ipinost ng aktres ang screenshot ng panlalait sa kanya.

Aniya, getting old daw is a privilege denied to many.

Huwag daw gamitin ang salitang matanda para insultuhin ang mga may-edad na.

Sa halip na mapikon, Sunshine even gave a word of advice to the basher.

Sa itsura raw kasi nito’y kailangan ng nutrisyon ang pangangatawan nito, “You look frail and hungry. Kumain ka ng marami.”

Hindi rin nakaligtas sa isa pang basher ang ate ni Sunshine na si Maritess na tinawag namang tigulang.

Fifty four na kasi ito, at edad din ng kanyang ate ang iniisyu ng basher.

Depensa ni Sunshine, 54 anyos man ang kanyang ate ay hindi ito mukhang matanda.

Isang post lang ang hindi na pinag- aksayahang sagutin ni Sunshine.

‘Yun ay noong tawagin siyang ” kwaknit” na ang ibig sabihin ay paniki.

Malimit nagiging isyu ang edad. Pero sabi nga, it’s not the age…it’s the mileage! Ronnie Carrasco III