Sunshine, umiiwas kay Macky!

Sunshine, umiiwas kay Macky!

December 13, 2022 @ 9:53 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Kahit ano pang pilit ng press ay ayaw magsalita si Sunshine Cruz tungkol sa dating karelasyon na si San Juan City Councilor Macky Mathay.

September nang umalingawngaw ang balitang tinuldukan na nila ang kanilang relasyon.

The following month, sa pamamagitan ng mga cryptic posts nilang dalawa’y mahihinuhang it was indeed the end of the road for them.

After four months, is Sunshine in love again?

Oo raw, she’s loved by her mom, her three daughters and her friends.

Obyus na alam ni Sunshine kung ano ang tinutumbok ng nagtanong.

At ‘yun ay kung may nagpapatibok ng kanyang puso uli.

But how’s Macky? Never kasing kinumpirma ni Sunshine ang paghihiwalay nila.

Magalang pero diretso ang sagot ng aktres, “Naku, huwag n’yo nang i-push ‘yan.”

Basta ang natutunan daw niya not necessarily mula sa relasyon nila ni Macky ay mahalin ang sarili.

Maayos man silang muli ni Cesar Montano, noong nagkahiwalay daw sila noon ay ‘yun ang hindi niya naibigay sa kanyang sarili: self-love.

Samantala, 2023 will be a busy year for Sunshine.

Abangan daw ang teleserye niyang Underage with Snooky Serna on GMA.

“May tatlong anak ako doon na iba-iba ang tatay,” pagbibida niya. Ronnie Carrasco III