Super Lotto 6/49, Lotto 6/42 jackpot mailap

Super Lotto 6/49, Lotto 6/42 jackpot mailap

February 24, 2023 @ 7:29 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mailap pa rin sa mga mananaya ang multi-million jackpot prizes para sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 dahil wala pa ring nanalo sa evening draw noong Huwebes, Peb. 23.

Base sa summary na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakatumbok sa winning combination para sa Super Lotto 6/49 na 42 – 37 – 09 – 01 – 11 – 08. Ang kabuuang jackpot prize ay P15,840,000.

Wala ring major prize winner para sa Lotto 6/42. Ang winning combination ay 26 – 02 – 20 – 41 – 21 – 40 na may jackpot prize na P39,442,156.20.

Habang walang nakakuha ng jackpot prize, 11 manlalaro ang nanalo ng P50,000 bilang pangalawang premyo para sa Super Lotto 6/49.

Para sa Lotto 6/42, inanunsyo rin ng PCSO na 34 na taya ang nanalo ng tig-P24,000 bilang pangalawang premyo.

Ibinobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang ang Lotto 6/42 draw ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT