Super Majority posibleng masungkit ni Romualdez para sa speakership

Super Majority posibleng masungkit ni Romualdez para sa speakership

May 13, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


Manila Philippines – Posibleng masungkit ni Leyte Rep. at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez ang super majority para masuportahan ang speakership nito sa 19th Congress.

Ito ang pahayag ng muling nanalong si Albay Rep. Joey Salceda kabilang dito ang suporta ng PDP-Laban na may 65 miyembrong mambabatas, Nacionalista Party (36), Nationalist People’s Coalition (34), Lakas NUCD (24) at NUP (33).

Binanggit ng kongresista na dalawang pangalan pa lamang ang lumulutang na posibleng susunod na speaker, ito ay si Martin at dating pangulo at nananatiling Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Naniniwala si Salceda na kung magiging susunod mang speaker si Romualdez na pareho silang opisyal ni GMA sa Lakas-NUCD ay hindi dahil sa pinsan siya ng susunod ba pangulo ng Pilipinas kundi dahil kabisado na nito ang proseso ng lehislatibo.

“A Romualdez Speakership is an asset to Marcos administration. I-convine pa diyan sa Senate na parang si Senador Cynthia Villar will be the Senate President. They will be strong legislative support for Marcos,” ani Salceda

Dagdag pa ng solon na bilang majority leader ay natutunan ni Romualdez ang pasikot-sikot sa paglikha ng batas.

“He will get the speakership not because he is the first cousin but talagang marunong iyan si Martin. A legislative prowess,” bahagi ng pahayag ng solon sa panayam sa kaniya sa CNN Philippines.

Nauna ng nag-indorso ang NUP kay Romualdez bilang susunod na speaker ng 19th Congress.

Samantala, nag-courtesy call na kay Romualdez sa kaniyang tahanan sa Makati ang mga bagong halal na kongresista sa pangunguna ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos upang magbigay ng suporta sa speakership ng Leyte Rep.

Kasama ni Rep. Marcos sina Reps. Jose Gay Padiernos (GP party-list), Bong Teves (TGP party-list), Zaldy Co (Ako Bicol party-list), at Jojo Ang (Uswag Ilonggo party-list). Meliza Maluntag