Super Tekla at Donita, nagparinigan sa FB!

Super Tekla at Donita, nagparinigan sa FB!

November 5, 2022 @ 9:28 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nakakaintriga ang palitan ng art card ng dating magkatandem na sina Super Tekla at Donita Nose sa social media.

Hirit ni Donita: “Wag mo ko simulan, Super Tekla!”

Sinagot naman ito ng pinatutungkulan: “Ah talaga ba? Sige Donita Nose, simulan mo tatapusin ko!”

Umaasa ang mga netizen na bahagi lang ‘yon ng biruan ng dalawa na nakasanayan na nilang gawin sa kanilang mga previous vlogs.

Sayang naman daw kasi kung magkakaroon ng Part 2 ang kanilang iringan lalo’t nangako silang magsasamang uli sa kanilang vlog.

Matatandaang si Donita ang kumalas sa kanilang tandem.

Ginamit ni Donita bilang ground ang katamaran ni Super Tekla sa pagba-vlog.

Inisyu rin ni Donita ang kawalan ng partner ng interes na lumikha o mag- isip ng content o lalamanin ng kanilang vlog.

Puro kasi si Donita ang nag-iisip ng mga content.

Umabot sa puntong dinepensahan ni Boobay ang co-host niya sa weekend show.

Ani Boobay, huwag daw ang katamaran ni Super Tekla ang tingnan dito kundi ang mga naiambag din nitong ideya.

Inireklamo kasi ni Super Tekla na lagi raw reject ang mga ideya niya sa tuwing pine-present niya ang mga ito kay Donita.

Depensa naman ni Donita, Super Tekla should not give up coming up with ideas just because of rejection. Ronnie Carrasco III