Superintendent, 5 jail guards sa Bilibid ‘prison break’ pinatalsik

Superintendent, 5 jail guards sa Bilibid ‘prison break’ pinatalsik

January 20, 2022 @ 6:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinatalsik na sa pwesto ang superintendent at limang guwardiya sa maximum security compound ng New Bilibid Prison dahil sa naganap na jailbreak noong Lunes, ayon sa ulat nitong Huwebes.

Batay sa naturang ulat, kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag ang pagtanggal kay Superintendent Arnold Guzman sa pwesto.

Tinitingnan sa imbestigasyon ang posibleng sabwatan ng jail guards sa mga tumakas, batay pa rin sa ulat.

Kamakailan ay apat na preso ang tumakas mula sa Bilibid. Dalawa sa kanila ang nasawi sa manhunt operations ng awtoridad, habang pinaghahanap pa ang dalawa. RNT/SA