Suplay ng baboy sapat – DA chief

Suplay ng baboy sapat – DA chief

January 22, 2022 @ 12:01 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak na may sapat na suplay ng baboy sa merkado hanggang katapusan ng taon kung kaya’t walang problema.

Ito ang iginiit ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa kabila ng nging hamon ng African Swine Fever (ASF) buhat noong 2019.

Kumpiyansa si Dar na marerekober ng Pilipinas ang mga nawala at magkakaroon ng mas magandang resulta ngayong taon.

Sa datos nitong Enero 13, naitala ang aktibong kaso ng ASF sa 45 barangay sa 17 munisipalidad sa rehiyon ng 2, 4A, 4B, 8, 11, at CARAGA. RNT/FGDC