Suplay ng basic goods sapat sa bagyong Paeng – DTI

Suplay ng basic goods sapat sa bagyong Paeng – DTI

November 2, 2022 @ 4:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules, Nobyembre 2 na sapat ang suplay ng mga pangunahing produkto sa kabila ng epekto ng Severe Tropical Storm Paeng.

Sa pahayag, sinabi ng DTI na nakikipagtulungan sila sa Philippine Chamber of Food Manufacturers upang masiguro na ang suplay ng mga basic necessities at prime commodities (BNPC) ay patuloy na nasusuportahan.

“The price and supply of basic necessities and prime commodities are generally stable based on the latest nationwide situational report,” pahayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual.

“We remind businesses and traders to comply with the price freeze on basic necessities in areas under a state of calamity,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Price Act, ang presyo ng bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ay awtomatikong hindi magagalaw hanggang sa alisin ito ng Pangulo.

Matatandaan na ngayong araw din ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Proclamation No. 84 na nagdedeklara sa mga rehiyon ng Calabarzon, Bicol, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng state of calamity. RNT/JGC