Suplay ng bigas sa bansa, sapat pa rin – DA

Suplay ng bigas sa bansa, sapat pa rin – DA

July 2, 2020 @ 4:35 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sapat pa rin ang suplay ng bigas ng bansa, ayon sa Department of Agriculture makaraang itigil ng Palasyo ang plano nitong mag-import ng 300,000 metric tons ng bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sapat ang stock para sa 82 na araw.

“As of this month, mayroon pa tayong 82 days to last…Mayroon po tayong sapat na pagkain,” aniya sa virtual press briefing.

Naunang sinabi ng Malakanyang na hindi na kailangan ng bansa ang pag-iimport ng 300,000 metric tons ng bukas dahil saapt na ang suplay.

Tinatrabaho na rin ng ahensya ang pagdagdag sa produksyon ng mga lokal na magsasaka lalo na sa panahon ng pandemya kung saan nananatiling prayoridad ang seguridad sa pagkain. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...