Suplay ng isda sa bansa, sapat sa epekto ng bagyong Paeng

Suplay ng isda sa bansa, sapat sa epekto ng bagyong Paeng

November 10, 2022 @ 1:16 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sapat pa ang suplay ng mga isda sa bansa kahit na matindi ang naging epekto ng bagyong Paeng sa maraming mga probinsya.

Ito ang inihayag ng Philippine Association of Fish Producers Inc. kung saan nakapaghanda umano ang aquaculture sector sa epekto ng nagdaang bagyo.

“Nakapaghanda yung aquaculture sector sa bagyo so at this time po, sapat po ang suplay ng isda,” sinabi ni Joseph Borromeo, Pangulo ng PAFPI.

“Yung natamaan po ng Paeng, dyan bandang Batangas, siguro yung mga fingerlings ang natamaan for bangus atsaka ano, makakarecover na rin ho yon. Unless magkaroon ng major disruption on the supply chain, we are very confident na those from the aquaculture sector o mga farmers ng isda ay makakapag supply ho doon nang sapat,” dagdag niya.

Sa kabila nito ay nanawagan pa rin si Borromeo na ayusin ng pamahalaan ang supply chain ng isda sa bansa upang bumaba ang presyo nito sa merkado.

“Yun naman talaga yung culprit eh. Kung maayos natin yung supply chain–marami na pwedeng magtulong sa pag-ayos ng supply chain. Nagsisimula yan sa source. Kasi halimbawa sa source, tama ba yung mga–may refrigerated centers ba tayo? Blast freezers ba tayo? Hindi na kailangan dumaan pa ng ano, pwede nang idiresto sa isang major bagsakan yan. It’s just a matter of logistics,” pagbabahagi niya.

“Kaya ang ginagawa namin, decentralization. Halimbawa, we’re now looking at management areas na hindi niya kailangan pang tumawid pa sa ibang isla o sa ibang rehiyon,” dagdag ni Borromeo.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa P4.2 bilyon ang pinsalang idinulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura. RNT/JGC