Suplay ng itlog posibleng kulangin sa pagmamahal ng patuka sa manok – DA

Suplay ng itlog posibleng kulangin sa pagmamahal ng patuka sa manok – DA

December 11, 2021 @ 4:26 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na posibleng magkaroon ng kakulangan sa itlog dahil sa pagmamahal ng patuka sa manok.

“Inaasahan natin na magkakaroon ng paghihigpit sa supply dahil tumataas ang [presyo ng] patuka,” lahad ni DA Assistant Secretary at spokesperson Noel Reyes sa Dobol B TV.

 Naunang iniulat na tumaas ang presyo ng mais para sa chicken feed mula P14 hanggang P22 kada kilo.

Maging ang presyo ng soybean ay tumaas din ng hanggang P55 kada kilo.

Samantala, sinabi ni Reyes na sapat naman ang suplay ng gulay para sa darating na holiday season.

“Marami tayong lowland and highland vegetables.” RNT/FGDC